Itinuturing ng Pulisya na mapayapa ang unang araw ng transport strike.
Ayon kay Police Colonel Roman Arugay ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakatutok sila simula ng ipatupad ang tigil-pasada at walang naitalang major incident.
Bagaman may mga nanghaharang sa ilang pumapasadang jeep, agad din itong naaksyonan ng Pulisya at hindi nauuwi sa malalang sitwasyon.
Sa ngayon ang importante ay walang nasaktan kasabay ng nagpapatuloy na transport strike. | ulat ni Don King Zarate