???????????? ???? ????? ?????, ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mas maraming Pilipino ang walang trabaho noong buwan ng Enero ng 2023.

Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, naitala sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero o katumbas ng 2.37 milyong Pilipino na walang trabaho.

Mas mataas ito sa 4.3% noong Disyembre ng 2022 at 4.5% noong Oktubre ng 2022.

Paliwanag ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, kadalasang tumataas ang unemployment rate sa unang quarter ng taon dahil tapos na ang holiday season kung saan malakas ang economic activities.

Pangunahing nagtulak naman aniya sa mataas na unemployment noong Enero ay ang construction sector.

Bahagyang tumaas rin ang underemployment rate o mga manggagawang naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho upang kumita na naitala sa 4.8% nitong Enero mula sa 4.5% noong Oktubre ng 2022.

Kasunod nito, naitala naman sa 95.2% ang employment rate o katumbas ng 47.35 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa, indikasyon ng tuloy-tuloy pa ring pagbawi ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Sa usapin ng employment rate, ang Region 9 o Zamboanga Peninsula ang nakapagtala ng pinakamataas na employment rate (97.4%) habang ang Bicol Region naman ang may pinakamababang employment rate na nasa (93.4%) nitong Enero 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us