Nagpahayag ng commitment ang Estados Unidos sa pagtulong sa ginagawang oil spill recovery efforts ng Pilipinas.
Sa naging ulat ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na nakausap niya si US Secretary of Defense Lloyd Austin, kagabi.
Magdi-deploy aniya ng naval ships ang US para sa operasyong ito, at tutulong rin sila sa pakikipag-ugnayan sa Japan at iba pang bansa para dito.
Sinabi aniya ng US official, na papunta na sa Pilipinas ang kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team.
Si Secretary Galvez ay una nang nagrekomenda ng ilang exercise scenario para sa Balikatan Exercises, na mayroong kinalaman sa oil spill management.
βIn fact, as I’ve recommended, some of the exercise scenarios of the forthcoming βBalikatanβ Exercises will be βreal lifeβ and actual HADR operations relative to the oil spill,β βSecretary Galvez.
Sinabi ng opisyal, na makikipagugnayan rin ang pamahalaan sa iba pang kabalikat nitong bansa tulad ng France at United Kingdom, para sa expertise at techniccal support, para sa pagpapatuloy ng oil spill recovery. | ulat ni Racquel Bayan