Nakipagpulong si US Undersecretary of State For Political Affaires Victoria Nuland kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secreatry Enrique Manalo para pag-usapan ang pagpapaigting ng kapayapaan sa ASEAN Region.
Layon ng naturang pagpupulong ang pag-usapan ang kasalukuyang tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at pagpapalitan ng pananaw hinggil sa naturang tensyon.
Kaunay nito, isa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ang pagpapalakas ng boarder security ng ating bansa, food security, cyber security, telecomunications, at supply chain sa ating bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio