Nakauwi na sa bansa ang may 24 na Pilipinong naipit sa TΓΌrkiye matapos tumama ang mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol doon.
Alas-7:21 nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Turkish Airlines Flight TK-084 sakay ang Pinoy repatriates buhat sa Istanbul.
Sinamahan sila ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega mula sa Istanbul pabalik ng Maynila.
Sinalubong sila ng mga kinatawan mula sa DFA-OUMWA, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) gayundin ng Department of Migrant Workers (DMW).
Pagdating sa NAIA, isinailalim muna sila sa debriefing at binigyan ng makakain bago sila makalabas sa arrival area kung saan doon naghihintay ang mga kaanak na sumundo sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala