??? ?? ??? ??????????, ????????? ??? ?????????? ?? ???? ?????? ??. ?

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 300 mambabatas ang lumagda para suportahan ang pagpapatibay ng Resolution of Both Houses No. 6 at nagpahayag ng pagnanais na maging co-author ng resolusyon ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe.

Kasunod ito ng Majority Caucus kasama si House Committee on Constitutional Amendments chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Sa naturang pulong ay hiniling nito sa miyembro ng majority bloc na bumoto para pagtibayin ang Resolution of Both Houses No. 6 ngayong hapon.

Ang RBH 6 ang resolusyon na nagpapatawag ng Constitutional Convention para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

β€œWe now have 300 House Members as co-authors of RBH No. 6, and more are signifying their intention to be co-authors. This means we now have not 2/3 or 3/4 votes, but more than 93 percent of total House membership in solid support of the ConCon proposal” saad ni Dalipe.

Maliban sa naturang panukala, tinalakay din ang mga priority measures ng Kamara na target maipasa bago ang Easter legislative break.

Ang panig naman ng MAKABAYAN bloc, humirit sa House leadership na ipagpaliban ang pagtalakay sa plenaryo ng Charter Change lalo na sa kasagsagan ng transport strike.

Ayon sa MAKABAYAN, mas napapanahong isyu ngayon ang sitwasyon ng mga tsuper at operators ng Public Utility Vehicles o PUVs na posibleng maapektuhan ng Jeepney Modernization Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us