? ???????? ?????? ?? ?????? ???????? ???. ???? ??????, ????? ???? ???????????? ???? ??? ???. ?? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senador JV Ejercito na maimbestigahan rin ang limang na security escorts ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na hindi nag-duty noong araw na pinaslang ang gobernador.

Para kay Ejercito, kaduda-dudang coincidence ito na ang pumasok lang noong araw na iyon ay ang pinsan niyang police escort.

Ito aniya ang dahilan kaya madaling nakapasok sa loob ng tahanan ni Governor Degamo ang mga assassin.

Sinabi rin ng senador na nakompromiso rin dito ang regional at provincial police offices dahil sa mga ulat na ang ilan sa mga pulis doon ay ayaw magsilbi ng warrant of arrest.

Mungkahi ng mambabatas, kailangang magpadala na ng mga pulis galing central office o Kampo Crame para tugunan ang sitwasyon sa naturang probinsya.

Samantala, sinang-ayunan naman ng senador ang desisyon ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na huwag na munang ituloy ang Senate inquiry tungkol sa kaso ng pamamaslang kay Degamo.

Ayon kay Ejercito, tamang patapusin na muna ang imbestigasyon at matugis na muna mastermind at ang anim pang itinuturong bahagi ng assassination team. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us