Dahil sa patuloy na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang agricultural smuggling sa bansa, nakumpiska ng mga awtoridad ang 780 kilos ng smuggled refined sugar sa Port of Subic.ย
Ang pagkakasamsam ng naturang produkto ay base na rin sa impormasyon na nakuha ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Customs (BOC), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Sugar Regulatory Authority (SRA), at Philippine Coast Guard (PCG).ย
Nakapangalan sa MFBY Consumer Goods Trading bilang consignee ang naturang kargamento nang dumaong ito sa Subic Bay Freeport sakay ng isang barko.ย
Isinilid ang naturang mga smuggled na asukal sa 30 containers na unang idineklara na mga tsinelas.ย
Umaabot sa โฑ86 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang mga asukal, kung saan balak umanong ibenta ito sa merkado ng hanggang โฑ110 ang bawat kilo.ย
Kinasuhan na ng DA at BOC ang consignee ng naturang smuggled refined sugar, dahil sa paglabag sa Food Security Act at Anti Smuggling Act.ย | ulat ni Michael Rogas
Photo: Bureau of Customs PH