Hinikayat ni Vice Presidet Sara Duterte ang tourism stakeholders na dagdagan ang investment sa mga sector-specific amenities upang magkaroon ng iba’t ibang oportunidad ang bansa at madagdagan ang kita o revenue mula sa industriya ng turismo.
Ito ang laman ng kaniyang mensahe sa ginanap na closing ceremony ng Meetings, Incentive Travel, Conventions, and Exhibitions (MICE) Conference 2023 sa The Tent, Azuela Cove kagabi.
Hinikayat nito ang stakeholders na mag-invest sa medical tourism, heritage tourism, retirement havens, entertainment spots, open-space recreation, at mga community-based travel destinations.
Hinimok rin sila ni VP Sara na magtulungan at pasiglahin muli ang sektor ng turismo sa pamamagitan ng diverse packages, incentives, at strategic investments na nakasentro sa service quality, public health, transportation, at mas pinabuting immersive experience ng mga turista.
Aniya, ang muling pagpapasigla ng industriya ng turismo ay magbibigay-daan sa paglago ng ekonomiya, pagdagdag sa bilang ng mga middle-income FIlipinos, pagpapababa ng proverty incidence ng 9%, at pag-aangat sa bansa bilang upper-middle-class economy.
Ibinahagi rin ni VP Sara kung paano nakatulong sa industriya ng turismo ang pag-host ng MICE Conference sampung taon na ang nakalilipas, kung saan mas nakilala ang Davao City bilang major player at destinasyon para sa conventions and exhibits industry.
Aniya, ang pag-host ng Davao City ng MICECON 2023 ay isa na namang oportunidad upang maipakitang isa ang lungsod sa mga tourism gateways sa Mindanao. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao