Aabot sa 18,000 pamilya sa Mati City sa Davao Oriental ang aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Presidential Assistant II for Eastern Mindanao Sec. Leo Magno, aasahan na masisimulan ang nasabing programa ngayong taon.
Una nang nakipagpulong ang kalihim kay Mati City Mayor Michelle Nakpil Rabat kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan upang ipakiusap na maisali ang lungsod ng Mati sa mga makakabenepisyo sa pabahay program.
Positibo naman ang opisyal na mapapadali ang implementasyon ng nasabing programa lalo na’t isa ito sa nga prayoridad ng pangulo para sa housing program ng mga kababayanan. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao