Sumailalim sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) training program ng Department of Tourism (DOT) ang nasa 100 na empleyado ng dalawang mall sa Davao City.
Sa pahayag ng mall, pinangunahan ng Davao Tourism Association at Davao City Chamber of Commerce and Industry, Inc. ang nasabing pagsasanay.
Sa dalawang araw na training mula Marso 22 hanggang 23, isinailalim ang mga tourism frontliner ng SM Lanang Premier at SM City sa nasabing pagsasanay upang maipakita ang Filipino Brand Service sa lahat ng mall goers nito.
Kabilang sa mga empleyado na dumalo sa pagsasanay ay mula sa admin office, security workforce, tenants, affiliates at iba pa.
Layunin ng FBSE na ma-promote ang top-tier customer service sa tourism industry sa pamamagitan ng pagsali dito ng core Filipino values sa kanilang pagsisilbi sa mall goers. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao
SM Lanang Premier