2 Pinoy, sugatan sa pagguho ng isang gusali sa Qatar — DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

2 ?????, ??????? ?? ??????? ?? ????? ?????? ?? ????? — ???

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Pilipino ang nasaktan sa pagguho ng pitong palapag na apartment building sa Doha, Qatar kahapon.

Gayunman, ayaw munang pangalanan ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople ang dalawang Pilipino na nasa ligtas nang kalagayan makaraang makalabas na ng Hamad General Hospital.

Masuwerte naman aniyang nakaligtas ang tatlo pang Pilipino na kasama ng mga nasugatan dahil nasa trabaho ang mga ito nang mangyari ang insidente.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang pamahalaan ng Pilipinas sa may 30 kababayan kabilang na ang dalawang menor de edad at isang nakatatanda na nakatira naman katabi ng gumuhong gusali.

Nakatutok naman ani Ople ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Doha upang tiyakin ang seguridad gayundin ang kapakanan ng mga kababayang naroon. | ulat ni Jaymark Dagala

May be an image of 1 person, standing and text that says 'MALAC'

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us