20 Kabahayan, nasunog sa lungsod ng Parañaque

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim ang kumpirmadong sugatan matapos lamunin ng apoy ang may 20 kabahayan sa Gomburza Extension, Brgy. Sto. Niño, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region o BFP-NCR, sumiklab ang sunog dakong alas-2:03 ng hapon ngayong araw na umakyat pa sa ikalawang alarma.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, pawang gawa sa light materials ang mga nasunog na kabahayan.

Idineklara namang Fire Under Control ang sunog ganap na alas-3:14 ng hapon hanggang sa tuluyang maapula ganap na alas-5:01 ng hapon.

Patuloy pang inaalam ng mga bumbero ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us