Foreign vessels, muling namataan ng PCG sa mga isla ng Pilipinas sa West Philipine Sea

Naispatan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang mga foreign vessel sa iba’t ibang lugar sa Kalayaan Group of Islands, matapos ang isinagawa nitong maritime patrol. Gamit ang BRP Malapascua, namataan ng PCG ang China Coast Guard vesels, People’s Liberation Army-Navy type 056A Jiangdao II class missile corvette, at ilang mga Chinese at Vietnamese vessels.… Continue reading Foreign vessels, muling namataan ng PCG sa mga isla ng Pilipinas sa West Philipine Sea

TESDA, nanguna sa top performing government agencies ayon sa isang survey

Nanguna ang tanggapan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) para sa top performing government agencies sa bansa ayon sa isang survey. Batay sa inilabas na resulta ng research firm na Publicus Asia, nanguna ang TESDA na nakapagtala ng 73 percent na mas mataas ng isang porsiyento noong nakaraang taon, na umabot lamang ng 72… Continue reading TESDA, nanguna sa top performing government agencies ayon sa isang survey

Panukala para alisin ang spectrum user fee sa internet, tinalakay ng Kamara

Sinimulan nang talakayin ng Mababang Kapulungan ang ilang panukalang batas na layong alisin ang spectrum user fee (SUF) na ipinapataw sa paggamit ng WiFi frequency ng mga telecommunication company. Target pag-isahin ng binuong technical working group ang House Bills 43, 2172, at 4190, upang alisin na ang ipinapataw na bayad sa mga indibidwal at Public… Continue reading Panukala para alisin ang spectrum user fee sa internet, tinalakay ng Kamara

Sen. Dela Rosa, naniniwalang makakapasa na sa kongreso ang panukalang bagong pension system ng military at uniformed personnel

Kumpiyansa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maaaprubahan ngayon ng kongreso ang panukalang batas tungkol sa pagkakaroon ng bagong pension system para sa mga bagong military at uniformed personnel (MUP). Ginawa ng senador ang pahayag matapos sabihin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kailangan nang tugunan ang lumulobong halaga ng pensyon para sa retirees… Continue reading Sen. Dela Rosa, naniniwalang makakapasa na sa kongreso ang panukalang bagong pension system ng military at uniformed personnel

Pamahalaan on track sa target na mabuwag ang mga natitirang guerilla fronts sa bansa ngayong 2023

Nasa dalawa na lamang ang aktibong guerilla fronts sa Pilipinas, mula sa orihinal na 89, noong bago magsimula ang operasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), taong 2018. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NTF-ELCAC Secretariat Ernesto Torres Jr. na mula sa bilang na ito, sa kasalukyan nasa 15… Continue reading Pamahalaan on track sa target na mabuwag ang mga natitirang guerilla fronts sa bansa ngayong 2023

Oras ng aktibidad ng mga estudyante ngayong tag-init, iminumungkahi ni Sen. Villanueva na i-adjust

Ipinakokonsidera ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Education (DepEd) ang pag-aadjust ng oras ng mga aktibidad ng mga estudyante lalo na ngayong summer season. Ito ay kasunod na ng napaulat na pagkakaospital ng higit 100 estudyante sa Laguna, matapos himatayin dahil sa sobrang init ng panahon sa isinagawang fire drill ng isang… Continue reading Oras ng aktibidad ng mga estudyante ngayong tag-init, iminumungkahi ni Sen. Villanueva na i-adjust

Maritime Consultancy Firm, ipinasara ng Dept. of Migrant Workers dahil sa kawalan ng lisensya

Ipinag-utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople ang pagpapasara sa isang maritime consultancy firm sa Sta. Cruz, Maynila, na sinasabing sangkot sa illegal recruitment. Pinangunahan ng Migrant Workers Protection Bureau na dating Anti-Illegal Recruitment Branch ang pagkandado sa JCB-Success Maritime Consultancy Services. Batay sa reklamo ng isang Manuel Jericho Ramos, nag-apply siya… Continue reading Maritime Consultancy Firm, ipinasara ng Dept. of Migrant Workers dahil sa kawalan ng lisensya

Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Sweden, isinulong

Kapwa inaasahan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg, ang pagsisimula ng negosasyon para sa “Framework on Defense Materiel Cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa. Ang pagbuo ng naturang kasunduang pandepensa ay kabilang sa mga tinalakay ng dalawang opisyal sa… Continue reading Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Sweden, isinulong

Pamumuhunan sa primary health care at nutrition, mahalagang sangkap sa pagkamit ng “AmBisyon Natin 2040” — NEDA

Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng pamumuhunan sa primary health care at nutrition tungo sa pagkamit ng “AmBisyon Natin 2040”. Ayon kay Socioeconomic Planning Undersecretary Joseph Capuno, malaki ang papel ng investments sa transformational goals ng administrasyong Marcos para maisakatuparan ang socioeconomic agenda. Kakailanganin aniya na mamuhunan sa “foundational interventions”… Continue reading Pamumuhunan sa primary health care at nutrition, mahalagang sangkap sa pagkamit ng “AmBisyon Natin 2040” — NEDA

Mas maraming customer ng Maynilad, posibleng maapektuhan ng mas mahabang water interruption

Inamin ng Maynilad na malaki ang posibilidad na magkaroon ng mas mahabang water service interruption at makaapekto sa mas marami pang customer, kung hindi mapagbibigyan ang hirit sa National Water Resources Board (NWRB) na madagdagan ang alokasyon ng tubig sa Angat dam. Ayon kay Maynilad Head of Water Supply Operations Ronald Padua, ito lang ang… Continue reading Mas maraming customer ng Maynilad, posibleng maapektuhan ng mas mahabang water interruption