4 ???? ?????? ?? ?????????? ??? ???. ??????, ?????? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Martes, na sumuko na ang apat pang suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo, nitong Lunes ng gabi.

Ayon pa kay Remulla, sumuko ang mga ito sa militar at malaking bagay rin aniya ang tulong ng isang enlisted personnel na naging daan sa pagsuko ng mga ito.

Dagdag pa niya, dating mga sundalo rin ang mga suspek kaya walang aktibo sa serbisyo sa mga ito.

Luluwas naman ang mga bagong suspek na sumuko sa Maynila, na dadalhin naman sa National Bureau of Investigation (NBI), bukas ng umaga, upang magbigay ng kani-kanilang salaysay. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us