4 na baybayin, positibo sa red tide –BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga baybayin sa bansa na positibo sa red tide toxin.

Batay sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kasama na rin sa shellfish ban ang San Pedro Bay sa Samar.

Bukod dito, patuloy pa ring pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa mga karagatan Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur na nananatiling positibo sa red tide.

Ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us