Sa kulungan bagsak ng isang babaeng umano’y tulak ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City.
Kinilala ang 43 anyos na suspek na si Rizalie Ando alyas Tariray (Pusher).
Isinagawa ang nasabing operasyon sa Sta. Rita Road, Barangay 188, Caloocan City.
Nakuhang ebidensiya mula sa suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P102,000 at buy-bust money.
Reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang isasampa laban sa suspek. | ulat ni Janze Macahilas