5-??? ???????? ????? ?? ??????????????? ?? ???. ??????, ??????????? ??? ??????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpupulong uli ngayong araw ang 5-man advisory group na sumusuri sa mga Courtesy Resignation na isinumite ng 3rd Level Officials ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan, nagpulong na rin kahapon ang grupo at natapos ang pagsusuri sa 217 Courtesy Resignations.

Matatandaan unang nagpulong ang grupo noong February 24, kung saan 118 Courtesy Resignation ang kanilang na-evaluate.

Sinabi ni Maranan na mahigit 600 pa ang kailangang pag-aralan ng grupo, para mairekomenda sa Pangulo kung kaninong Courtesy Resignation ang tatanggapin.

Matatandaang napagkasunduan ng grupo na magpulong ng dalawang beses kada linggo, para matapos ang kanilang trabaho bago sumapit ang pagreretiro sa serbisyo ni General Azurin.

Kasama ni Gen. Azurin sa grupo sina: Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Office of the Presidential Adviser on Military Affairs Undersecretary Isagani Nerez, former Defense Secretary Gilbert Teodoro, at retired Court of Appeals Justice Melchor Sadang. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us