Bagamat higit tatlong taon na ang nakalilipas mula nang magsimulang kumalat ang pandemya sa Pilipinas, nananatiling nag-aalinlangan pa rin ang ilang mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.
Batay sa pinakahuling SWS survey, na isinagawa mula December 10-14, 2022, lumalabas na 69% ng unvaccinated na Pilipino ang ayaw pa ring magpabakuna.
Nasa 12% naman ang handa nang magpaturok ng bakuna habang ang nalalabing 19% ay hindi pa rin makapagdesisyon.
Ayon sa SWS, sa 87% o 62.6 milyong Pilipino rin na nakapagbakuna na kontra COVID-19 sa bansa, 44% ang ayaw nang magpa-booster shot habang 32% ang walang problemang magpabakuna muli. | ulat ni Merry Ann Bastasa