9 na syudad sa Metro Manila at 1 karatig probinsya, 2 araw na babawasan ng Maynilad ng suplay ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services Inc. sa lahat ng mga customer nito na dalawang araw silang magbabawas ng suplay ng tubig.

Ito ay para mapreserba ang tubig mula sa mga dam na kanilang pinagkukunan ng suplay.

Siyam na siyudad sa Metro Manila at isang lalawigan ang sakop ng magiging water Interruptions mula March 28 hanggang March 29.

Kabilang sa mga ito ang Quezon City, Maynila, Valenzuela, Navotas City, Makati, Las Pinas, Paranaque City at Caloocan City.

Bawas din ang suplay ng tubig sa Lalawigan ng Cavite kabilang ang mga siyudad ng Bacoor, Imus, Kawit, Cavite, at mga bayan ng Rosario at Noveleta.

Sabi ng Maynilad, kailangan tipirin ang tubig sa mga dam dahil sa abiso ng PAGASA Weather Bureau na magkakaroon ng El Niño nang hanggang katapusan ng taong ito.

Magtatagal din daw ang ganitong pagbabawas sa suplay ng tubig sa lahat ng customers hanggat walang sapat na mapagkukunan tulad ng water treatment facilities at mga water shed.

Sa ngayon, nakakaranas na umano ng mabilis na pagbaba ng level ng tubig ang Ipo Dam nitong mga nakaraang linggo. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us