Nagpapatuloy ngayong umaga ang mga pagdinig ng Commission on Appointments (CA).
Kabilang sa mga isasalang ngayon ang apat na opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Didinggin muli sa CA ang nominasyon nina Manuel Antonio Javier Teehankee bilang kinatawan ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) sa Geneva, Switzerland at ang pagkakatalaga ni Bienvenido Tejano bilang ambassador ng Pilipinas sa Papua New Guinea.
Dalawa naman ang naghain ng pagtutol sa ad interim appointment ni Tejano.
Naka-schedule rin ngayong araw na humarap sa CA si Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.
Sa maiksing panayam kay Garafil, sinabi nitong umaasa siyang makakalusot siya sa CA.
Tiniyak rin nitong sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay titiyakin niyang magiging transparent at makatotohanan ang PCO.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng mga ilalabas nilang mga artikulo at mga public information dissemination efforts. | ulat ni Nimfa Asuncion