Patuloy ang Marcos Administration sa pagkayod upang matupad ang mga ipinangako sa mga Pilipino noong panahon ng kampanya.
Sa isang ambush interview sa Pili, Camarines Sur, matapos ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-abot sa Php20 na halaga ng bigas ay naka-angkla sa maraming factors.
“Yesterday if not sooner. Lahat ng timetable ko, yesterday if not sooner. Lahat ‘yan ASAP. I don’t know, we’ll see. We’ll see. Kasi mayroon – minamalas din tayo sa weather eh kaya hindi mo matiyak kung ano ‘yung magiging production, ano ‘yung magiging supply. So tingnan natin, pababa na nang pababa. We’ll keep working on it.” —Pangulong Marcos.
Pagtitiyak ng pangulo, puspusan na ang pagkilos ng pamahalaan, upang matupad ang mga pangakong ito, sa pinakamabilis na panahon.
“I hope that they can see na kung ano man ang pinangako namin noong kampanya talagang sinusubukan namin itupad lahat ng aming sinasabi, pinag-usapan. So we talked about housing, I talked about MSMEs, I talked about the internet, I talked about power. Lahat ‘yan tinatrabaho namin nang husto at nakikita naman ng tao kahit na hindi pa tapos ay talagang mayroon na tayong sinimulan na maganda.” —Pangulong Marcos.
Una na ring sinabi ng pangulo, na nakatutok ang pamahalaan, sa pagpapalakas ng produksyon nito, na susi sa pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin. | ulat ni Racquel Bayan