AFP Chief, nagpasalamat sa pagsasanay ng India sa mga Pilipinong sundalo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu S. Kumaran sa tulong ng kanilang bansa sa pagsasanay ng mga Pilipinong sundalo.

Ang pasasalamat ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo sa Indian Technical and Economic Cooperation (ITEC) Day 2023 Reception sa Taguig, kahapon.

Ang ITEC, na pinangangasiwaan ng Ministry of External Affairs ng India, ay isang international capacity-building platform na nakapagsanay na ng mahigit 200,000 opisyal mula sa 160 bansa sa larangan ng depensa, artificial intelligence, cyber-tech, inhenyeria at teknolohiya, agrikultura, kalusugan, at pamamahala.

Sa taong ito, 56 na slot ang inalok sa Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard para magsanay sa larangang pandepensa sa India.

Sinabi ni Gen. Centino, na mapalad ang Pilipinas na regular na isinasama sa pagsasanay na mas lalong magpapalakas sa ugnayang pandepensa ng Pilipinas at India. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us