Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa YAKAP ng Magulang Movement Inc. sa pagsasagawa ng isang “fun run” sa Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay City kahapon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month.
Daan-daang tauhan ng AFP, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at mga non-government organizations ang sumali sa fun-run at zumba exercise upang mapataas ang kamalayan ukol sa “Women Empowerment”.
Tumulong ang Joint Task Force-National Capital Region (JTF-NCR) ng AFP sa pagsasagawa ng fun run at pagpapatupad ng seguridad sa mga kalahok.
Ang YAKAP (Yaman, Kalinga at Pagmamahal) ng Magulang Movement Inc. ay isang NGO na tinatag noong 2020 na nagsusulong ng values formation sa pagpapapatatag ng samahan ng pamilya at komunidad at awareness sa kababaihan, upang lumaki bilang Law-abiding Citizens ang mga bata.
Sa pagdiriwang ng International Women’s Day noong March 8, sinabi ni AFP Chief of Staff, General Andres Centino na aktibong susuportahan ng militar ang mga inisyatiba na nagsusulong ng “empowerment of women”. | ulat ni Leo Sarne
?: Tsgt Obinque, PAOAFP