Isinagawa sa House of Representatives ang unang pulong ng Standing Committee on Higher Education and Teacher Education and Development nitong Miyerkules, Marso 15.
Pinangunahan ito nina House Comittee on Basic Education and Culture Chair Roman Romulo, Committee on Higher and Technical Education Chair Mark Go at Senate Basic Education, Arts and Culture Committee Chair Sherwin Gatchalian.
Nilahukan din nito ng Commissioners, education experts, at industry leaders.
Sa kanyang opening speech, binigyang diin ni Rep. Go na hindi dapat magsayang ng oras pagdating sa reporma sa education sector.
Ito aniya ang pangunahing mandato ng binuong Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).
Kabilang naman aniya sa mga kailangan ikonsidera sa pagsusulong ng reporma ay ang kasalukuyang bilang ng populasyon, budget, political leaders at political expediency.
Mahalaga rin aniya na matukoy ng komite kung ano ang ugat ng problema upang mas mabilis na masolusyunan ang hamon sa sektor ng edukasyon.
Ang EDCOM 2 ay isang congressional body na nabuo salig sa RA 11899 na siyang magsasagawa ng national assessment at evaluation sa performance ng education sector sa susunod na tatlong taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
? House PPAB