Anti-tank warfare, pinag-aralan ng mga tropa ng Phil. Army sa Exercise Salaknib

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinuruan ng mga eksperto ng US Army Pacific ang mga tropa ng Philippine Army sa operasyon ng Javelin Anti-Tank weapon, na matagumpay na ginagamit ng Ukraine laban sa mga tanke ng Russia.

Bahagi ito ng mga ehersisyo sa unang yugto ng sabayang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Exercise Salaknib, na isinasagawa sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Bukod dito, pinag-aralan din ng mga tropa ng dalawang bansa ang Jungle Warfare at Survival Training sa Special Forces School (SFS).

Habang nagsanay naman ang mga Army Aviators at personnel kasama ang kanilang Amerikanong counterpart sa Aero Medical Evacuation sa Army Aviation Regiment.

Nagpalitan din ng kaalaman ang Artillery units ng dalawang pwersa sa Counter Unmanned Aerial System Exchange sa Army Artillery Regiment Headquarters.

Magtatapos ang unang yugto ng Exercise Salaknib sa April 4; at ang ikalawang yugto ay isasagawa pagkatapos ng Balikatan Exercise na isasagawa naman mula April 11 hanggang 28. | ulat ni Leo Sarne

?: OACPA/Army Aviation Regiment/ Army Artillery Regiment

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us