Hindi kumporme si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa backyard farming.
Ang pahayag ay ginawa ng Punong Ehekutibo sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na sugpuin ang problema sa African Swine Fever (ASF).
Sinabi ng Pangulo na kailangang magkaroon ng isolation at consolidation hinggil sa pag-aalaga ng baboy para maiwasan ang naturang sakit at hindi makasira sa pork industry.
Dagdag ng Presidente na bukod sa baboy, kailangan ding maikunsidera ang manok para hindi na sana maalagaan pa sa mga backyard.
Ito ay para makontrol, ayon din sa Chief Executive, ang biosecurity.
Marami pa, sabi ng Presidente, na plano nilang gawin tungkol sa agrikultura subalit hindi pa maipatupad lahat gawa ng abala pa aniya sila sa ilang mga usapin na may kinalaman sa sibuyas, bigas, asukal, gulay, at iba pa. | ulat ni Alvin Baltazar