Bagong branch office ng PCSO, pormal nang binuksan sa Lungsod ng Tuguegarao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan ni Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO General Manager Melquiades Robles kasama ang mga opisyal ng PCSO sa lalawigan ng Cagayan ang pagbubukas ng bagong sangay nito sa Lungsod ng Tuguegarao.

Dito, namahagi ng tseke ang PCSO sa mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa lalawigan na kumakatawan sa bahagi ng kabuuang sales o kita mula sa Small Town Lottery sa kanilang nasasakupan.

Personal na iniabot ni Robles ang naturang tseke sa mga Lokal na Opisyal na layong makatulong sa kanilang mga programa para sa mga Cagayanon.

Labis naman ang pagpapasalamat ng mga benepisyaryong lokal na opisyal at nangakong gagamitin ito upang mapalawig ang mga programang pangkawanggawa at panlipunan.

Maliban dito, nakatanggap din ang Lokal na Pamahalaan ng 150 pirasong nebulizers, 150 pirasong BP apparatus at 49 pirasong weighing scale mula sa Corporate Social Responsibility (CSR) Program ng PCSO. | ulat ni Jaymark Dagala

?: PCSO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us