Bagong Emergency 122 Hotline, pwede ng gamitin ng mga taga-QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binuksan na ng Quezon City Government ang bago nitong Emergency Hotline para sa agarang responde anumang oras ng mga residente.

Maaari nang tumawag o mag-dial ng 122 kung saan ang hotline na ito ay konektado sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Quezon City Police District at Bureau of Fire Protection.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, mas mabilis ang gagawing pagtugon ng mga kawani ng pamahalaang lungsod sa bagong emergency hotline na ito.

Nagbabala naman ang alkalde, na posibleng maharap sa parusa ang sinumang aabuso sa paggamit ng hotline tulad ng mga prank caller.

Pwedeng gumamit ng mga mobile phone at landline telephone sa pag-dial sa 122 Hotline ang sinumang nangangailangan ng emergency service ng pamahalaang lungsod.

Maliban sa emergency assistance ay pwede ring tumawag sa 122 ukol sa COVID-19 related services, social services assistance, pagsumbong sa anumang domestic violence, at iba pang hinaing.

Bukas ang naturang emergency hotline ng 24/7, kung saan may nakatoka na empleyado para agad na tumanggap ng tawag ng mga residente ng lungsod. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us