BARMM solon, hinikayat ang lahat na maging mapagpatawad kasabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pagpapatawad sa kapwa ang mensahe ni Lanao Del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ngayong pagsisimula ng Holy Month of Ramadan.

Ayon kay Adiong, panahon ngayon na magkaroon ng spiritual reflection at renewal ng kanilang pananampalataya, pagtitiyaga, pakikiramay at pagiging bukas-palad na walang diskriminasyon.

Aniya, bagaman iba’t ibang hamon ang ating kinakaharap bilang mga Pilipino, hangad niya ang kapayapaan at katapangan sa panahong ito ng Ramadan.

Hinikayat din ng mambabatas ang lahat, Muslim man o hindi na magkaisa para sa mas maayos na bukas ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us