Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. na lahat ng kaukulang benepisyo ay matatanggap ng pamilya ni San Miguel, Bulacan Chief of Police Lieutenant Colonel Marlon Serna, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Kasabay nito, inatasan ni Brig. Gen. Hidalgo si Bulacan Provincial Director Police Col. Relly Arnedo na maglunsad ng manhunt sa mga suspek na responsable sa pagkamatay ni Lt. Col. Serna, para agarang mabigyan ng hustisya ang pamilya ng nasawing pulis.

Si Lt. Col Serna ay nasawi sa tama ng bala sa ulo nang paputukan ng dalawang suspek na sakay ng motor sa Brgy Bohol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan bandang 9:30 nitong Sabado ng gabi.

Nang maganap ang insidente ay patungo ang team ni Lt. Col. Serna sa Brgy San Juan, San Miguel, Bulacan para rumesponde sa insidente ng pagnanakaw.

Magbibigay ng kalahating milyong pisong gantimpala ang DILG, ₱300,000 ang PRO 3, at tig-₱200,000 ang PNP at Bulacan Provincial Government para sa impormasyon na ikadarakip ng mga suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us