Bentahan ng asukal sa ilang pamilihan sa QC, mataas pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagama’t mas bumaba ang farmgate price ng asukal sa bansa, nananatiling mataas ang presyo ng asukal sa ilang pamilihan sa Quezon City.

Halimbawa na lang sa Novaliches, ibinebenta ng ₱108 ang puting asukal habang nasa ₱88 ang washed o brown sugar.

Sa Litex market naman, naglalaro sa ₱100-₱112 ang presyo ng white sugar habang nasa ₱95 ang brown sugar.

Ayon sa ilang nagtitinda, mataas pa rin ang ipinapataw na presyo ng mga supplier kaya hindi nila maibaba ang presyo ng asukal.

Sa tala naman ng Sugar Regulatory Administration (SRA), nasa ₱60-₱65 kada kilo ang farm gate price ng raw sugar kumpara dati na nasa ₱70/kilogram.

Kaya giit ng ahensya, nasa ₱80-₱89 ang reasonable price sa pagbebenta ng asukal.

Kapag naman mataas pa rin ang presyo ng mga asukal, posibleng ilabas na sa merkado ang mga reserbang imported sugar sa susunod na linggo.

Dahil dito, posibleng bumaba ang presyo ng asukal sa susunod na 12-14 days.

Magmumula ang mga ilalabas na asukal sa 58,000 metric tons ng imported sugar na naunang dumating sa bansa.

Bahagi ito ng 440,000 metric tons ng asukal na pinayagan ng SRA na iangkat ng Pilipinas. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us