Bentahan ng Gcash accounts na ginagamit pang-scam, tinututukan na ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ngayong araw ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga opisyal ng Globe Telecom at GCASH kaugnay ng lumalawak ngayong bentahan ng mga beripikadong Gcash account na ginagamit sa scam.

Kasunod ito ng serye ng entrapment operations na isinagawa ng NBI Cybercrime Division. kung saan naaresto ang apat na indibidwal na sangkot sa bentahan ng Gcash accounts online.

Naaresto ang mga suspek na sina Jay Cortez, Kevin Mark Maboloc, Jeffrey Miguel, at Jeffrey Ilagan na nadiskubreng may hawak na daan-daang verified Gcash accounts.

Ayon sa NBI, ibinebenta ng mga suspek ang bawat account mula P550 hanggang P900.

Nasa kustodiya na ng NBI Cybercrime ang mga suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998.

Dahil naman dito, paiigtingin pa ng NBI at GCASH ang ugnayan nito para masawata ang ganitong iligal na aktibidad, at hindi na makapang-biktima pa.

Sa panig naman ng GCASH, siniguro nito sa mga user na palalakasin pa ang hakbang para maging ligtas ang mga ito laban sa mga scammer. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us