BI, magdadagdag ng tauhan ngayong Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na magdadagdag sila ng mga tauhan sa Manila International Airport ngayong Semanta Santa.

Sa inilabas na press release ng BI, magdadagdag sila ng 155 na immigration officer sa terminal 1, 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport maging sa Clark International Airport.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tangsingco, iniutos niya ang pagdaragdag ng mga kawani ng BI upang masiguro na maseserbisyuhan ang mga kababayan nating uuwi ng probinsya o pupuntang ibang bansa sakay ng eroplano ngayon Holy Week.

Aniya, inaasahan na ang pagdagsa ng tao ngayong Semana Santa sa paliparan na aabot sa 40,000 ang madadagdag araw-araw simula sa susunod na linggo.

Bukod dito ay inihayag din ni Tangsingco na nasa proseso na sila ng pag-hire ng 140 immigration officer na ide-deploy din ngayong taon upang maiwasan ang congestion lalo na sa NAIA Terminal 3. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us