Bilang ng mga Pilipinong namatay dahil sa TB, umabot na sa 60,000 ayon sa DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayong Biyernes ng Department of Health na tinatayang nasa 60,000 na mga Pilipino ang namatay mula taong 2021 sa sakit na tuberculosis o TB.

Tantsa pa ng World Health Organization, nasa 741,000 na ang mga may TB kada taon sa bansa ang kailangang sumailalim sa pagsusuri at gamutan.

Ayon pa kay Dr. Allan Fabella ng DOH, kadalasang namamatay sa TB ang mga taong hindi sumailalim sa pagsusuri at hindi sumailalim sa gamutan.

Paglilinaw pa ng DOH ,bagamat itinuturing na silent killer ang TB , nagagamot ang sakit na ito sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan mula sa screening, test and diagnosis, gamutan at mayroon ding TB preventive treatment para sa mga kasama sa bahay ng isang pasyente na may TB.

Nanawagan ang DOH sa publiko na may sintomas ng TB: tulad ng ubo, lagnat , pamamawis sa gabi at pamamamayat na agad na magpasuri sa mga local health at primary health care center sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng world TB day sa ika-24 ng Marso. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us