Umabot na sa higit 50 milyong SIM cards ang nairehistro na, isang buwan bago ang nakatakdang deadline ng SIM registration sa April 26.
Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commision, katumbas na ito ng halos 30% ng target na 169 milyong telco subscribers sa bansa.
Mula sa kabuuang SIM card registrants, 25,770,733 ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 37.90% ng kanilang subscribers.
20,886,382 naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 23.77% ng kanilang subscribers habang mayroon na ring 3,805,683 nakarehistrong sim sa DITO Telecommunity o 29.03% ng kabuuang subscribers.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DICT sa mga local government unit (LGU) para maipalaganap pa SIM Registration, kabilang dito ang suporta ng Tech4ED Centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa