Hindi natuloy ang nakatakda sanang pagdating sa bansa ng COVID-19 bivalent vaccines ngayong Marso.
Ang mga nasabing bakuna ay donasyon sana ng Covax facility sa Pilipinas.
Paliwanag ni Health OIC Ma. Rosario Vergeire, made-delay ang pagdating sa bansa ng mga nasabing bakuna matapos magkaroon ng ilang pagbabago sa kondisyon na hiningi ng vaccine manufacturers.
Nakaapekto rito ang pag-lift ng state of calamity sa bansa.
Tiniyak ni Vergeire na ginagawa na nila ang lahat ng legal na hakbang para maayos ang gusot.
Sakaling matuloy ang mga nasabing bakuna ay ibibigay sana bilang 2nd booster sa mga health worker at senior citizens. | ulat ni Lorenz Tanjoco