Biyahe ng ilang bus sa Cubao, fully booked na simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming pasahero na ang nagpa-advanced booking para makaluwas sa kani-kanilang probinsya at doon gunitain ang Semana Santa.

Sa Superlines terminal sa Cubao, Quezon City, fully booked na ang biyahe ng mga airconditioned bus simula bukas, March 31 hanggang April 7 para sa mga destinasyon ng Daet, Paracela at Panganiban, Camarines Norte.

Ayon naman sa mga dispatcher, tatanggap pa rin sila ng chance passenger pero mga ordinary bus na ang masasakyan.

Dito naman sa Victory Liner sa Cubao, may mga biyahe na ring fully booked lalo na ang patungong Baguio at Zambales sa April 5 at sa April 6.

Nakahanda naman ang naturang terminal sa pagdagsa ng mga pasahero sa susunod na linggo na may nakalatag nang tent para sa chance passenger at magkakaroon rin ng exta trip. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us