Biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Mayo Janice, umapela sa Senado na magsagawa ng pagdinig kaugnay sa nangyaring pagpatay sa kaniyang asawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang biyuda ng pinaslang na Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ginawa ni Mayor Degamo ang pahayag matapos i-ulat ng binuong Special Task Force Degamo ang pagkakahuli sa 5 mga dating Sundalo na umaming may direktang partisipasyo sa pagpatay sa yumaong Gubernador at 8 iba pa.

Dagdag pa ng Alkalde, kuntento sila sa ginagawang aksyon ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan upang mapabilis ang takbo ng kaso gayundin ay mabunyag na kung sino ang utak sa krimen.

Gayunman, umaapela si Mayor Degamo sa Senado na magsagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon in-aide of legislation upang makapagbalangkas ng mga batas para protektahan ang mga Local Chief Executive sa bansa.

Naniniwala rin ang Alkalde na sa pamamagitan ng Senate inquiry, matatakot ang mga testigo na tumanggap ng suhol mula sa mastermind at kumpiyansa siyang makadaragdag ito ng pressure para madiin ang tunay na may sala. I via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us