ilang mamimili, handang pumila sa Kadiwa stores para sa murang asukal

Good news para sa ilang mamimili ang plano ng Department of Agriculture na ibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat nitong asukal. Kabilang dito si Aling Agnes na nagtitinda ng turon, bananaque at ginataang bilo bilo. Aniya, kung malaki ang matitipid niya ay walang problemang pumila sa Kadiwa stores. Ganito rin ang sinabi ni Nanay… Continue reading ilang mamimili, handang pumila sa Kadiwa stores para sa murang asukal

Sinasabing “Mastermind” sa Degamo slay case, posibleng pangalanan na — binuong Special Task Force

Kumpiyansa ang binuong Special Task Force Degamo na mahuhubaran na nila ng maskara ang “mastermind” sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo gayundin sa walong iba pa. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasabay ng pagtitiyak na magiging air tight ang kasong kanilang isasampa laban sa lahat ng mga sangkot dito.… Continue reading Sinasabing “Mastermind” sa Degamo slay case, posibleng pangalanan na — binuong Special Task Force

SP Zubiri, nais maimbestigahan sa Senado ang pagkakakumpiska ng matataas na kalibre ng armas sa condo ng isang dayuhan sa Makati

Pinaiimbestigahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang insidente ng pagkakakumpiska ng maraming mga matataas na kalibre ng mga armas sa loob ng isang condo unit ng isang Taiwanese national sa Makati City. Sa report, 13 rifle, pitong submachine guns, 65 handguns, mga ammunition, at hand… Continue reading SP Zubiri, nais maimbestigahan sa Senado ang pagkakakumpiska ng matataas na kalibre ng armas sa condo ng isang dayuhan sa Makati

Sweldo, iba pang pribilehiyo ni Negros Oriental Rep. Teves, binawi matapos suspendihin ng Kamara

Binawi ng Kamara ang ilan sa pribilehiyo ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. kasunod ng pagkakasuspende nito ng 60 araw. Miyerkules nang pagtibayin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na suspendihin ang kinatawan dahil sa patuloy na pagliban kahit walang opisyal na leave at hindi pag-uwi… Continue reading Sweldo, iba pang pribilehiyo ni Negros Oriental Rep. Teves, binawi matapos suspendihin ng Kamara

Pagtatag ng specialty centers sa mga ospital ng DOH, pinagtibay sa ikalawang pagbasa

Bago tuluyang mag-adjourn ang Kongreso ay pumasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7751 o panukala para magtayo ng mga specialty center sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health (DOH).  Sa ilalim nito, inaatasan ang DOH na bigyang prayoridad ang pagtatatag ng mga center para sa 17 specialties gaya ng cancer care, brain… Continue reading Pagtatag ng specialty centers sa mga ospital ng DOH, pinagtibay sa ikalawang pagbasa

DepEd, kinondena ang nakakaalarmang aktibidad ng NPA sa Masbate

Mariing kinondena ng Department of Education (DepEd) ang nakakaalarmang aktibidad ng communist rebels sa Masbate na nakaaapekto na sa larangan ng edukasyon sa lalawigan. Sa isang statement, sinabi ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na nagdulot ng trauma sa mga mag-aaral, guro, at school personnel ang mga insidente ng karahasan at terorismo na likha umano… Continue reading DepEd, kinondena ang nakakaalarmang aktibidad ng NPA sa Masbate

Banta sa buhay ni Rep. Teves, kapwa itinanggi ng PNP at AFP

Kapwa itinanggi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na may banta sa buhay ni Representative Arnulfo Teves. Sa pulong balitaan ng Joint Task Force Degamo sa Camp Aguinaldo kahapon, parehong sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. at AFP Chief of Staff General Andres Centino na wala… Continue reading Banta sa buhay ni Rep. Teves, kapwa itinanggi ng PNP at AFP

Dapat na ring mag-invest ang Pilipinas sa pagkakaroon ng sariling dynamic positioning vessel na equipped ng Remote Operated Vehicle (ROV)

Pahayag ito ni Mindanao State University Environmental Science Prof. Hernando Bacosa sa gitna ng ginagawang oil spill recovery efforts ng pamahalaan, kasunod ng lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28 ng Pebrero. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng propesor na malaking tulong ang pagi-invest sa mga ganitong teknolohiya. Sa oras kasi… Continue reading Dapat na ring mag-invest ang Pilipinas sa pagkakaroon ng sariling dynamic positioning vessel na equipped ng Remote Operated Vehicle (ROV)

Panukalang magpapaaga ng pagbibigay ng cash gift sa mga Pilipinong centinarian, nakarating na sa plenaryo ng senado

Naipresenta na sa plenaryo ng senado ang panukalang batas tungkol sa maagang pagbibigay ng gobyerno ng cash gift na 100,000 pesos para sa mga Pinoy centenarian bago pa man sila umabot ng 100 years old. Sa kanyang sponsorship speech para sa senate bill 2028, sinabi ni Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development… Continue reading Panukalang magpapaaga ng pagbibigay ng cash gift sa mga Pilipinong centinarian, nakarating na sa plenaryo ng senado

Pinsala ng oil spill sa karagatan, maaaring tumagal nang dekada kung hindi malilinis nang maayos, ayon sa isang eksperto

Maaaring abutin ng dekada ang pagkapit ng langis sa kapaligiran, partikular sa marine environment, kung hindi ito malilinis nang tama ng pamahalaan. Pahayag ito ni Mindanao State University Environmental Science Professor Hernando Bacosa sa gitna ng ginagawang oil spill recovery efforts ng gobyerno, kasunod ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, ika-28… Continue reading Pinsala ng oil spill sa karagatan, maaaring tumagal nang dekada kung hindi malilinis nang maayos, ayon sa isang eksperto