Nananawagan ngayon si Manila 3rd District Representative Joel Chua sa mga kapwa kongresista na paglaanan ng pondo at ipa-rehabilitate ang San Sebastian Church sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay dahil sa kaawa-awang lagay ng bahay sambahan na kung saan ay kinakain na ng kalawang ang ibang bahagi nito, partikular na ang exterior part.
Ayon sa kongresista ang San Sebastian ang nag-iisang kapilya sa Asya na gawa sa bakal na ang edad ay 132 aniya dapat maisalba ang kapilya sapagkat itinuturing din itong pambasang yaman ng Pilipinas dahil ginawa pa ang gusali noong 1891.
Dagdag pa ng kongresista na isa din sa dahilan kaya dapat ipaayos ang bahay sambahan ay dahil nakakabahala ito para sa kaligtasan ng mga mananamba na maaaring mabagsakan ng ilang parte ng gusali. | ulat ni Janze Macahilas
?: Department of Tourism Culture and Arts of Manila