CAAP, nagsagawa ng Hazard and Risk Identification Workshop para sa kawani at sektor ng air transports

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaigitng pa ang serbisyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) lalo na sa usapin ng airway traffic system ng aircraft, at lahat ng paliparan sa bansa nagsagawa ng Risk and Identification workshop ang lahat ng kawani ng air traffic management system at air transport sector ng bansa.

Katuwang sa naturang workshop ng CAAP ang French Civil Aviation Authority sa naturang workshop, kung saan ibinahagi nito ang international standards sa pagpapatakbo ng aviation sector ng kanilang bansa.

Ayon kay CAAP Deputy Director General for Operations Captain Edgardo Diaz, layon ng naturang workshop na mapalawak pa ang kaalaman ng mga kawani nito sa iba’t ibang aviation hazards na maaaring mangyari sa ating bansa.

Dagdag pa ni Diaz, malaki ang maitutulong ng naturang workshop upang mas maging equipped ang mga ito sa anumang magiging hazard sa aviation sector ng Pilipinas.

Kabilang din sa dumalo sa naturang workshop ay ang mga representative mula sa air transport sector ng bansa, upang magkaroon din ng kaalaman ang naturang sektor sa nagiging sitwasyon ng aviation system sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us