Sa gitna ng itinataguyod ng Marcos administration na digitalized transaction, ilang mga pamilihan ang sinasabing nagpapatupad na ng cashless transaction.
Sa kamakailang Laging Handa Public briefing, sinabi ni Go Negosyo Founder/Private Sector Lead for Jobs Joey Concepcion na kanyang ikinagulat nang makitang nagpapatupad na ang mga pamilihan sa Lungsod ng Baguio ng cashless transaction.
Lahat aniya halos ay gumagamit na ng G- cash at PayMaya sa pagbabayad na ayon kay Concepcion ay maituturing na good news sa hanay ng mga nasa MSMEs.
Magpapasigla ani Concepcion ito ng acceptance o pagtanggap sa paggamit ng e-wallet na siya namang maigting na ikinakampanya ng administrasyong Marcos.
Samantala, sinabi ni Concepcion na gumaganda ang negosyo sa bansa at ito’y nakikita kapwa sa malalaking korporasyon at sa Micro Small & Medium Enterprises. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Joey Concepcion Twitter