Chinese national, arestado ng Bureau of Immigration matapos magpanggap na Mexican national habang papuslit ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national matapos magtangkang pumuslit ng bansa gamit ang Mexican passport.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, naharang ang Chinese national na si Lho Zhi Min, 53, matapos tangkaing umalis patungong Kuala Lumpur sakay ng flight ng Malaysia Airlines noong Sabado ng umaga sa NAIA terminal 1.

Nagpakita si Lho ng isang Mexican passport sa inspeksyon, ngunit hindi makasagot nang direkta nang tanungin ito na naging dahilan ng para i-refer ito sa tertiary inspection.

Matapos ang isinagawang pag-inspeksyon sa dokumento ni Lho napag-alamang peke ang mga ito dahilan naman upang arestuhin ang Tsino.

Haharap sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 ang Tsino at mananatili sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportation proceedings ng banyaga. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us