Nababahala ngayon ang Commission on Human Rights (CHR) sa napaulat na magkakasunod na krimen kung saan biktima ang mga kababaihan at kabataan.
Kabilang dito ang pagkamatay ng isang lola na umano’y binugbog ng kaniyang anak at isinilid sa isang kahon sa Norzagaray, Bulacan; ang walang habas na pagbugbog hanggang mamatay sa isang 22-taong gulang na si Kimberly Achas; panggagahasa sa isang 13-taong gulang na estudyante at ang pagpaslang sa apat na kabataan sa Trece Martires, Cavite.
Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na lubos nitong kinokondena ang insidente at nanawagan sa agarang pagkamit ng hustisya sa apat na kaso.
Nagkasa na rin ang komisyon ng independent motu proprio investigation nito sa mga naturang kaso.
Kasunod nito ay muli namang hinikayat ng CHR ang mga awtoridad na umaksyon nang matigil ang mga ganitong krimen laban sa mga kababaihan at kabataan. | ulat ni Merry Ann Bastasa