Comelec, pagtitibayin ang paghihiwalay ng apat na barangay sa Brgy. Muzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Linggo ang naging resulta ng plebisito noong Marso 25, 2023 para pagtibayin ang pagkakahati ng Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan sa 4 na hiwalay at malayang barangay.

Sa resulta ng ginawang plebesito sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan ito ay ang Muzon proper, Muzon East, Muzon West at Muzon South.

Base sa resulta na inilabas ng Comelec, nakakuha ang ‘Yes’ vote ng 12,324 o 92.51% habang 969 o 07.27% naman para sa ‘No’ vote.

Ito’y resulta sa boto ng mga bumotong 13,322 residente mula sa 43,771 na rehistradong botante sa lugar ng Brgy. Muzon. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us