Commitment ng Pangulo sa full implementation ng Bangsamoro Peace Agreements, suportado ng DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng suporta si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kumpletuhin ang implementasyon ng Bangsamoro Peace Agreement.

Sa isang statement sa ika-9 na anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF), sinabi ng kalihim na nananatili ang DND at Armed Forces of the Philippine (AFP) na “vanguards of peace and security” sa Bangsamoro.

Sinabi ng kalihim, na lubusang ipatutupad ng DND at AFP ang kautusan ng Pangulo na pangalagaan at isulong ang peace process.

Tiniyak pa ng kalihim, na hindi hahahayaan ng DND at AFP ang “peace spoilers” na balewalain ang nakamit na kapayapaan sa Bangsamoro.

Sisiguraduhin aniya ng Security Sector, na mananaig ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro bilang paghahanda sa kanilang unang regular na eleksyon sa 2025. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us