Binawi na ng House Committee on Agriculture and Food ang contempt order laban sa dalawang opisyal ng Super Five cold storage facility.
March 21 nang i-contempt ng komite sina Michael King Ang at Joerge Ong sa gitna ng pagdinig sa hoarding at price manipulation ng sibuyas dahil sa pagiging non-cooperative at evasive.
Ayon kay Quezon Representative Mark Enverga, chair ng komite, inalis ang contempt order laban sa dalawa matapos makapagsumite ng kaukulang dokumento.
Nangako rin aniya ang dalawa na sasagot na ng totoo sa mga susunod na pagdinig
“The committee on Agriculture and Food, having received required documents and assured willingness to cooperate in the succeeding hearings, unanimously acted on the lifting of contempt order,” ani Enverga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes