DA, makikipagtulungan sa Cebu gov’t sa isyu ng ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na tututukan nito ang pinakabagong banta ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Cebu partikular na sa Carcar City.

Kasunod ito ng iniutos ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ipatigil ang culling o pagpatay sa mga baboy na taliwas naman sa polisiya ng DA para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, makikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan para mas maayos na maipatupad ang mga polisiya nito.

Sinabi naman ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, “Let’s harmonize our move towards that so hindi maapektuhan na lumaki pa itong problema natin to stabilize also the price and supply.”

Sa pinakahuling tala ng DA, mayroon nang higit sa 90 barangay sa bansa ang kasalukuyang apektado ng ASF.

Kaugnay nito ay nakabantay rin ang DA sa suplay at presyuhan ng baboy sa merkado.

Batay sa monitoring ng DA- Bantay Presyo, naglalaro sa ₱280-₱340 ang kada kilo ng kasim sa ilang pamilihan sa Metro Manila habang nasa ₱320-₱390 naman ang kada kilo ng liempo.

Ayon sa DA, bagamat may pagtaas ng ₱10-₱20 sa bentahan ng baboy, hindi naman ito dahil sa ASF kundi sa transportation costs. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us