Dalawang suspek, arestado matapos makuhaan ng shabu na nagkakahalaga ng P238K

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng Substation 4 Muntinlupa City Police ang dalawang drug suspect habang nagsasagawa ng anti-criminality operation ngayong Linggo ng umaga sa Zone 1 Sitio Pagkakaisa, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.

Kinilala ni PBGen. Kirby John Brion Kraft, DD, SPD ang mga suspek na sina Albaser Makakua, 22 taong gulang at Sandy Jardinico, 47 taong gulang na isang pintor.

Narekober ang tatlong pakete ng plastik na na naglalaman ng 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱238,000. Ituturn-over ito sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us